Ang palabas na ito ay tumatak na sa isip ko dahil nagpapakita ito ng kalakasan at paninindigan ng isang babae. Naging matatag siya upang mabuhay at para sa kanyang kapatid na kailangan siya. Ang laban kung saan buhay mo ang kapalit at bilang isang simpleng babae ay hindi mo ito matatagalan.
Martes, Setyembre 29, 2015
Linggo, Setyembre 27, 2015
Hindi Matamasa NOON
Noon pa man ay maliit na ang tingin sa mga babae. Isa itong langgam na kung minsan ay hadlang para sa mga lalaki. Sila din ang kahinaan ng kalalakihan. Mababa ang tingin noon sa babae sa isang lipunan. Dapat sila ay nasa bahay lamang. Sila ang naglilinis, naglalaba, nagluluto at kung ano-ano pa. Pinapamukha sa kanila na iyon lamang ang kayang gawin nila. Hindi sila nakakapag-aral noon at ang layunin nila upang mabuhay ay ang maglingkod sa kanilang asawa na bumubuhay sa kanilang pamilya. Sa paglipas ng panahon ay napuno na ang mga babae. Napagtanto nila na may mali sa turingan ng kasarian. Bagama't hindi sila malakas ay nakamit naman nila ang kanilang inaasam. Ang karapatan na dapat tinatamasa ng bawat isa sa atin. Walang pagtuturing at walang nakalalamang. Pantay na karapatan sa mga kasarian.
Sa panahong kasalukuyan ay natatamasa pa ito ng mga babae. Nabigyan sila ng pagkakataon na ipakita na kaya nila ang nagagawa ng mga lalaki. Hindi na mababa ang turing sa kanila ng lipunan at kaya nilang magtrabaho ng marangal. Dapat natin na ingatan ang mga kababaihan dahil sila ay naghihirap mabuhay ka lamang sa mundong ito. Minsan mapapansin natin nahihirapan sila dahil sa mabibigat na trabaho na pasan nila sa kanilang balikat ngunit nakakaya pa din nilang ngumiti upang sabihin na kaya nila dahil ito ang kanilang hiningi.
Araw ng Sabado at Linggo kasama ang pamilya ko
Araw Ng Pahinga para sa iba ang Sabado at linggo nila. Ang araw na ito para sa taong tulad ko ay araw ng paglalaba. Araw kung saan lahat sila ay ako ang napupuna. Tuwing ako kasi ay nagpapahinga biglang sasabihin ng kapatid ko na "Ang tamad mo talaga". Sa tuwing ako naman ay kumikilos ay magsasalita ulit ito nang "Sabihin mo lang kapag may papabilin ka" o kaya naman "Anong nakain mo at sinipag ka." Mabuti na lamang at marami siyang ginagawa nitong Sabado. Marami kasi silang ipapasa upang makapasa.
Linggo ay dumating at kasalukuyan akong gumagawa ng aking takdang aralin. Isang ingay ang aking narinig sa labas ng bahay namin at nakita ang aming ama na nakainom at lasing na. Pagkapasok niya sa bahay ay nagsimula na ang sermon. Hindi na ako makagawa ng mga dapat kong gawin. Ang ama ko ay ayaw magpapigil hanggang sa napuno ang kapatid ko sumigaw na "Papa matulog ka na po hindi namin matapos ang aming takdang aralin" mahinahon ngunit halatang galit. Ang ama ko ay natulog dahil ayaw niyang magalit ang kapatid ko na malapit ng mapuno. Lumipas ang oras na tahimik ang kapatid ko. Sinilip ko siya at napag-alaman ko na ginagawa niya pa ang mga dapat ipasa sa propesor nila. Tahimik pa din kami hanggang dumating ang gabi at natulog upang harapin ang araw ng Lunes.
Sabado, Setyembre 19, 2015
Pangarap kong pumunta sa korea!
Ang bawat tao sa mundo ay may pangarap na ninanais na matupad. Isa sa kanilang pinapangarap ay ang libutin ang mundo at tuklasin ang ganda nito. Ang korea ay ang bansang nais kong mapuntahan at kung bibigyan ako ng pagkakataon na malibot ang bansang ito, partikular sa South Korea. Ano nga ba ang gagawin ko?
Una, Gusto kong maglakad-lakad suot ang makapal na damit upang hindi ako makaramdam ng lamig. Kapag ako'y nakaramdam na ng pagod at gutom. Kakain ako ng kimchi at Bibimbap. Ito ang mga pinagmamalaking pagkain ng korea at sikat sa kanila. Pagkatapos kumain ay magrerenta ako ng bisikleta upang makapunta sa grand park. Doon mas magandang mag-bisikleta at makipagkilala sa iba't-ibang tao.
Matapos ko na mapagod dahil sa pagbibisikleta, pupunta ako sa isang pahingahan upang magpalipas ng oras.
Pagdating ng gabi, pupunta ako sa isang sikat na pamilihan na tinatawag na "Night Market". Maraming mabibili na murang gamit tulad ng damit at iba't-ibang pagkain. Matapos mamili ay pupunta naman ako sa "Namsan Tower" upang maglagay ng padlock itapon ang susi sa baba nito.
Sa ikalawang araw ay pupunta akong "Jeju Island" upang makalanghap ng sariwang hangin. Pupunta din ako sa mga sikat na templo at palasyo noon na madalas kong makita sa telebisyon. Matapos kumain ng iba't- ibang pagkain ay pupunta din ako sa "Jeju Jungmun Resort" kung saan makikita ang "k-pop museum". Bibili ako ng mga pasalubong at babalik sa pilipinas ng may ngiti sa aking mga labi.
Una, Gusto kong maglakad-lakad suot ang makapal na damit upang hindi ako makaramdam ng lamig. Kapag ako'y nakaramdam na ng pagod at gutom. Kakain ako ng kimchi at Bibimbap. Ito ang mga pinagmamalaking pagkain ng korea at sikat sa kanila. Pagkatapos kumain ay magrerenta ako ng bisikleta upang makapunta sa grand park. Doon mas magandang mag-bisikleta at makipagkilala sa iba't-ibang tao.
Matapos ko na mapagod dahil sa pagbibisikleta, pupunta ako sa isang pahingahan upang magpalipas ng oras.
Pagdating ng gabi, pupunta ako sa isang sikat na pamilihan na tinatawag na "Night Market". Maraming mabibili na murang gamit tulad ng damit at iba't-ibang pagkain. Matapos mamili ay pupunta naman ako sa "Namsan Tower" upang maglagay ng padlock itapon ang susi sa baba nito.
Sa ikalawang araw ay pupunta akong "Jeju Island" upang makalanghap ng sariwang hangin. Pupunta din ako sa mga sikat na templo at palasyo noon na madalas kong makita sa telebisyon. Matapos kumain ng iba't- ibang pagkain ay pupunta din ako sa "Jeju Jungmun Resort" kung saan makikita ang "k-pop museum". Bibili ako ng mga pasalubong at babalik sa pilipinas ng may ngiti sa aking mga labi.
Sabado, Setyembre 5, 2015
Linggo, Agosto 23, 2015
Damdaming hindi maamin at hindi kayang ipahayag
Ang bawat tao ay may mga damdamin at opinyon tungkol sa isang bagay. Ngunit dahil sa pangangamba at takot sa maaring maging kapalit nito ay hindi na nila ito pinapahayag. Isa ako sa mga taong takot ipahayag ang aking mga opinyon o kuro-kuro.
Ang mga salita na lumalabas sa ating mga bibig ay makapangyarihan na maaring makasakit sa ating kapwa.
Kung ang ating opinyon ay magiging sanhi ng pagkasira ng ugnayan natin sa iba ay maaari naman natin itong sabihin ngunit sa paggamit ng mas maganda at kaaya-aya sa pandinig.
May mga social media na din na makakatulong sa atin upang ipahayag ang ating hinanakit, kagustuhan, at pagpapasalamat. Sa tulong nito mas magiging maayos ang ugnayan ninyo at hindi magkakaroon ng pagkailang sa bawat isa. Ngunit mas maganda pa din kung kakausapin natin sila ng personal upang masabi na natin ang mga damdaming hindi maamin at hindi kayang sabihin.
Huwebes, Agosto 20, 2015
Unang markahan
Alam ko sa aking sarili na hindi ko pinagbuti ang aking pag-aaral ngayong unang markahan kaya sisikapin ko itong pagbutihin ngayong ikalawang markahan. Marami naman akong natutunan nitong unang markahan dahil sa aming mabubuting guro. Sana ma smaging aktibo ako at sana ngayon maipasa ko na ang mga proyekto
Aking inaasahan para sa ikalawang markahan
![]() |
Martes, Agosto 18, 2015
ngayong araw na ito
May mga tao sa paligid natin na minsan ay hindi nagiging totoo. Sila ay nagsusuot ng maskara para hindi maipakita ang tunay nilang ugali. Sinasabing mapagkakatiwalaan sila ngunit patalikod ka nilang sinisiraan sa iba. Ngayong araw na ito ay napatunayan ko sa aking sarili na kaunti na lamang ang mapagkakatiwalaan natin. Kailangan nating ingatan ang mga salitang binibitawan natin at sinasabi. May pagkakataon sa ating buhay na nanghuhusga tayo na kahit alam na nating nakakasakit ay hindi pa din natin mapigilan. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga dati kong kaibigan na minsan na akong hinusgahan. Hindi ko naman sila masisisi dahil may negatibo akong ugali na hindi ko na matanggal sa sarili ko.
Ngayong araw din na ito binalikan namin ang mga nakaraan sa aming buhay na minsan nang nagdulot ng kasiyahan at kalungkutan. Isa sa mga naalala kong nagdulot sa akin ng kasiyahan ay ang pagkakaroon ko ng cellphone at syempre hindi maaalis ang kalungkutan. Ito ang naramdaman ko noong nag-transfer ako sa paaralan ng mambugan at naiwan ang dati kong kaibigan.
Martes, Agosto 11, 2015
Kanta
All Too Well
'Cause there we are again that little town street.
You almost ran the red 'cause you were looking over me.
Wind in my hair, I was there, I remember it all too well.
Photo album on the counter, your cheeks were turning red.
You used to be a little kid with glasses in a twin-size bed'
Ito ay parte lamang na nagustuhan ko ng sobra sa kanta ni Taylor Swift na All to well. Para sa akin ay isa itong magandang kanta dahil hilig ko ang mga kantang may kwento. Pinapakita dito ang pag-alala niya sa kanilang nakraan na kailan man hindi niya nakalimutan at nawala sa kanyang isipan. may mg pangyayari di at sitwasyon sa isipan ko na kailan man ay hindi na mawawala at madadagdagan pa.
Biyernes, Hulyo 31, 2015
Ang mga bagay na hindi natin inaasahan
May mga bagay sa mundong hindi mo inaasahan. Mga kasiyahan,kalungkutan, at higit sa lahat ay ang mga bagay na ayaw mong mangyari. Ngayong araw na ito ay nawalan ng malay ang malapit sa akin at kaklase ko. Sa sobrang pagkabigla ko ay wala na akong nagawa at tinignan na lamang siyang binubuhat ng mga kaklase ko. Ipinagdasal namin ang kanyang kagalingan at nang isa pa naming kamag-aral.
Di ko lubos maisip ang sarili ko sa ganun na sitwasyon. Bagama't minsan na itong nangyari sa akin, Nandito pa din sa aking puso ang pangamba at pagkatakot. Lubos kong pinagpapasalamat sa maykapal dahil hindi naman naging malala ang nangyari sa kanya at sana hindi na mangyari sa kanino pa.
-V.V.T
Linggo, Hulyo 19, 2015
katangian ng aking kaibigan
Katangian nila ay walang katumbas
Tayo din ay kanilang pinapalakas
Ang ginagawa nila ay tunay
At hindi lamang isang palabas
Kahit sila ay hindi perpekto
Nandyan naman sila tuwing nagiisa ako
Walang pwedeng pumalit sa kanila
Na taong mapanira at hindi totoo
Madalas nila akong pinapasaya
Sa pamamagitang ng pagpapatawa
Nasasabihan ko din sila ng sikreto
Na kailan man ay hindi sinabi sa ibang tao
Bagama't hindi sila ganun katalino
Hindi naman sila nakakalimot
At madaling magbago
Ganyan silang mga tao
Para sa akin ang kaibigan
Hindi nasusukat sa kayamanan
Hindi pwedeng bilin
Ng kahit na sino pa man
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)