Sabado, Setyembre 19, 2015

Pangarap kong pumunta sa korea!

  Ang bawat tao sa mundo ay may pangarap na ninanais na matupad. Isa sa kanilang pinapangarap ay ang libutin ang mundo at tuklasin ang ganda nito. Ang korea ay ang bansang nais kong mapuntahan at kung bibigyan ako ng pagkakataon na malibot ang bansang ito, partikular sa South Korea. Ano nga ba ang gagawin ko?

   Una, Gusto kong maglakad-lakad suot ang makapal na damit upang hindi ako makaramdam ng lamig. Kapag ako'y nakaramdam na ng pagod at gutom. Kakain ako ng kimchi at Bibimbap. Ito ang mga pinagmamalaking pagkain ng korea at sikat sa kanila. Pagkatapos kumain ay magrerenta ako ng bisikleta upang makapunta sa grand park. Doon mas magandang mag-bisikleta at makipagkilala sa iba't-ibang tao.
Matapos ko na mapagod dahil sa pagbibisikleta, pupunta ako sa isang pahingahan upang magpalipas ng oras.

  Pagdating ng gabi, pupunta ako sa isang sikat na pamilihan na tinatawag na "Night Market". Maraming mabibili na murang gamit tulad ng damit at iba't-ibang pagkain. Matapos mamili ay pupunta naman ako sa "Namsan Tower" upang maglagay ng padlock itapon ang susi sa baba nito.

  Sa ikalawang araw ay pupunta akong "Jeju Island" upang makalanghap ng sariwang hangin. Pupunta din ako sa mga sikat na templo at palasyo noon na madalas kong makita sa telebisyon. Matapos kumain ng iba't- ibang pagkain ay pupunta din ako sa "Jeju Jungmun Resort" kung saan makikita ang "k-pop museum". Bibili ako ng mga pasalubong at babalik sa pilipinas ng may ngiti sa aking mga labi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento