Linggo, Agosto 23, 2015

Damdaming hindi maamin at hindi kayang ipahayag


     Ang bawat tao ay may mga damdamin at opinyon tungkol sa isang bagay. Ngunit dahil sa pangangamba at takot sa maaring maging kapalit nito ay hindi na nila ito pinapahayag. Isa ako sa mga taong  takot ipahayag ang aking mga opinyon o kuro-kuro.
 
  Ang mga salita na lumalabas sa ating mga bibig ay makapangyarihan na maaring makasakit sa ating kapwa.
Kung ang ating opinyon ay magiging sanhi ng pagkasira ng ugnayan natin sa iba ay maaari naman natin itong sabihin ngunit sa paggamit ng mas maganda at kaaya-aya sa pandinig.
 
  May mga social media na din na makakatulong sa atin upang ipahayag ang ating hinanakit, kagustuhan,  at pagpapasalamat. Sa tulong nito mas magiging maayos ang ugnayan ninyo at hindi magkakaroon ng pagkailang sa bawat isa. Ngunit mas maganda pa din kung kakausapin natin sila ng personal upang masabi na natin ang mga damdaming hindi maamin at hindi kayang sabihin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento