Linggo, Agosto 23, 2015

Damdaming hindi maamin at hindi kayang ipahayag


     Ang bawat tao ay may mga damdamin at opinyon tungkol sa isang bagay. Ngunit dahil sa pangangamba at takot sa maaring maging kapalit nito ay hindi na nila ito pinapahayag. Isa ako sa mga taong  takot ipahayag ang aking mga opinyon o kuro-kuro.
 
  Ang mga salita na lumalabas sa ating mga bibig ay makapangyarihan na maaring makasakit sa ating kapwa.
Kung ang ating opinyon ay magiging sanhi ng pagkasira ng ugnayan natin sa iba ay maaari naman natin itong sabihin ngunit sa paggamit ng mas maganda at kaaya-aya sa pandinig.
 
  May mga social media na din na makakatulong sa atin upang ipahayag ang ating hinanakit, kagustuhan,  at pagpapasalamat. Sa tulong nito mas magiging maayos ang ugnayan ninyo at hindi magkakaroon ng pagkailang sa bawat isa. Ngunit mas maganda pa din kung kakausapin natin sila ng personal upang masabi na natin ang mga damdaming hindi maamin at hindi kayang sabihin.

Huwebes, Agosto 20, 2015

Unang markahan


Alam ko sa aking sarili na hindi ko pinagbuti ang aking pag-aaral ngayong unang markahan kaya sisikapin ko itong pagbutihin ngayong ikalawang markahan. Marami naman akong natutunan nitong unang markahan dahil sa aming mabubuting guro. Sana ma smaging aktibo ako at sana ngayon maipasa ko na ang mga proyekto

Aking inaasahan para sa ikalawang markahan



Iiwasan ko na ang masyadong pagtutok sa mga hindi naman importanteng bagay at alam kong kinakailangan ko ng matinding disiplina upang maisagawa ang ganitong bagay. Lalo na kung parte na ito ng ating buhay at hindi tayo sanay na mawala ito kahit isang araw lang. sisikapin ko din na maging aktibo sa talakayan para makasabay sa mga aralin.

Martes, Agosto 18, 2015

ngayong araw na ito


May mga tao sa paligid natin na minsan ay hindi nagiging totoo. Sila ay nagsusuot ng maskara para hindi maipakita ang tunay nilang ugali. Sinasabing mapagkakatiwalaan sila ngunit patalikod ka nilang sinisiraan sa iba. Ngayong araw na ito ay napatunayan ko sa aking sarili na kaunti na lamang ang mapagkakatiwalaan natin. Kailangan nating ingatan ang mga salitang binibitawan natin at sinasabi. May pagkakataon sa ating buhay na nanghuhusga tayo na kahit alam na nating nakakasakit ay hindi pa din natin mapigilan. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga dati kong kaibigan na minsan na akong hinusgahan. Hindi ko naman sila masisisi dahil may negatibo akong ugali na hindi ko na matanggal sa sarili ko. 

Ngayong araw din na ito binalikan namin ang mga nakaraan sa aming buhay na minsan nang nagdulot ng kasiyahan at kalungkutan. Isa sa mga naalala kong nagdulot sa akin ng kasiyahan ay ang pagkakaroon ko ng cellphone at syempre hindi maaalis ang kalungkutan. Ito ang naramdaman ko noong nag-transfer ako sa paaralan ng mambugan at naiwan ang dati kong kaibigan.

Martes, Agosto 11, 2015

Kanta


         All Too Well
'Cause there we are again that little town street.
You almost ran the red 'cause you were looking over me.
Wind in my hair, I was there, I remember it all too well.

Photo album on the counter, your cheeks were turning red.
You used to be a little kid with glasses in a twin-size bed'

Ito ay parte lamang na nagustuhan ko ng sobra sa kanta ni Taylor Swift na All to well. Para sa akin ay isa itong magandang kanta dahil hilig ko ang mga kantang may kwento. Pinapakita dito ang pag-alala niya sa kanilang nakraan na kailan man hindi niya nakalimutan at nawala sa kanyang isipan. may mg pangyayari di at sitwasyon sa isipan ko na kailan man ay hindi na mawawala at madadagdagan pa.