Huwebes, Hunyo 2, 2016

One

 
Simula


Akala ko kapag natapos na ang mga bagay hindi na ito masusundan pa ulit. Kumbaga sa mga story, ito na ang Epilogue. Pero nakalimutan ko na sa mga story, nandyan ang Special Chapter. Para madagdagan pa ang nalalaman ng mga mambabasa o minsan para hindi maging bitin ang storya.


Katulad ng blog na ito, akala ko hindi ko na ito mapapakinabangan. Pero naisip ko na pwede akong magsulat dito. Pwede ko pa itong magamit...


Isa itong bagay na hindi mauubos katulad ng mga pahina ng libro. Katulad ng buhay ng tao... katulad ng pagmamahal niya para sayo.



Ang blog na ito ay pwede ko pa din magamit kahit Grade-10 na ako. Dahil ang kapasidad ng tao sa pagsusulat ay walang hangganan.Ikaw ang kumukuntrol sa mga bagay na ninanais mo. 


-Mema lang

Biyernes, Pebrero 5, 2016

vaneSISA (character's parade)


Ang pagganap bilang sisa na tauhan ng noli me tangere ay lubos na nakakagalak. Bagama't isa ito sa pinaka mahirap na ginampanan ko ay naisagawa ko naman ito nang maayos. Alam ng lahat na si sisa ay isang mapagmahal na ina nila basilio at crispin. Isang asawa na martyr na kahit sinasaktan na ng asawang si pedro ay hindi niya hinihiwalayan.

Lubos ang pagka tuwa ko nang mapili ako na sisa. Lalo na at likas sa akin ang pagiging baliw at dahil likas na sa akin ang pagiging baliw ay naging maayos ang pagganap.Maayos ang kinalabasan ng aming character's parade kahit walang crisostomo ibarra.

Masaya ako sa mga nangyari at isa ito sa mga hindi ko malilimutan.

Martes, Setyembre 29, 2015

Katatagan at Kalakasan ng Isang babae


 http://www.thevipconcierge.com/VIPEvents/398/Hunger-Games-Mockingjay-Part-1-Premiere-After-Party-VIP-Tickets.aspx

Ang palabas na ito ay tumatak na sa isip ko dahil nagpapakita ito ng kalakasan at paninindigan ng isang babae. Naging matatag siya upang mabuhay at para sa kanyang kapatid na kailangan siya. Ang laban kung saan buhay mo ang kapalit at bilang isang simpleng babae ay hindi mo ito matatagalan.

Linggo, Setyembre 27, 2015

Hindi Matamasa NOON


   Noon pa man ay maliit na ang tingin sa mga babae. Isa itong langgam na kung minsan ay hadlang para sa mga lalaki. Sila din ang kahinaan ng kalalakihan. Mababa ang tingin noon sa babae sa isang lipunan. Dapat sila ay nasa bahay lamang. Sila ang naglilinis, naglalaba, nagluluto at kung ano-ano pa. Pinapamukha sa kanila na iyon lamang ang kayang gawin nila. Hindi sila nakakapag-aral noon at ang layunin nila upang mabuhay ay ang maglingkod sa kanilang asawa na bumubuhay sa kanilang pamilya. Sa paglipas ng panahon ay napuno na ang mga babae. Napagtanto nila na may mali sa turingan ng kasarian. Bagama't hindi sila malakas ay nakamit naman nila ang kanilang inaasam. Ang karapatan na dapat tinatamasa ng bawat isa sa atin. Walang pagtuturing at walang nakalalamang. Pantay na karapatan sa mga kasarian.
 
   Sa panahong kasalukuyan ay natatamasa pa ito ng mga babae. Nabigyan sila ng pagkakataon na ipakita na kaya nila ang nagagawa ng mga lalaki. Hindi na mababa ang turing sa kanila ng lipunan at kaya nilang magtrabaho ng marangal. Dapat natin na ingatan ang mga kababaihan dahil sila ay naghihirap mabuhay ka lamang sa mundong ito. Minsan mapapansin natin nahihirapan sila dahil sa mabibigat na trabaho na pasan nila sa kanilang balikat ngunit nakakaya pa din nilang ngumiti upang sabihin na kaya nila dahil ito ang kanilang hiningi.

Araw ng Sabado at Linggo kasama ang pamilya ko

 
   Araw Ng Pahinga para sa iba ang Sabado at linggo nila. Ang araw na ito para sa taong tulad ko ay araw ng paglalaba. Araw kung saan lahat sila ay ako ang napupuna. Tuwing ako kasi ay nagpapahinga biglang sasabihin ng kapatid ko na "Ang tamad mo talaga". Sa tuwing ako naman ay kumikilos ay magsasalita ulit ito nang "Sabihin mo lang kapag may papabilin ka" o kaya naman "Anong nakain mo at sinipag ka." Mabuti na lamang at marami siyang ginagawa nitong Sabado. Marami kasi silang ipapasa upang makapasa.
 
   Linggo ay dumating at kasalukuyan akong gumagawa ng aking takdang aralin. Isang ingay ang aking narinig sa labas ng bahay namin at nakita ang aming ama na nakainom at lasing na. Pagkapasok niya sa bahay ay nagsimula na ang sermon. Hindi na ako makagawa ng mga dapat kong gawin. Ang ama ko ay ayaw magpapigil hanggang sa napuno ang kapatid ko sumigaw na "Papa matulog ka na po hindi namin matapos ang aming takdang aralin" mahinahon ngunit halatang galit. Ang ama ko ay natulog dahil ayaw niyang magalit ang kapatid ko na malapit ng mapuno. Lumipas ang oras na tahimik ang kapatid ko. Sinilip ko siya at napag-alaman ko na ginagawa niya pa ang mga dapat ipasa sa propesor nila. Tahimik pa din kami hanggang dumating ang gabi at natulog upang harapin ang araw ng Lunes.